Home for the Aged
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - March 9, 2017 - 12:00am

SOLONG anak si Carlo kaya matapos ilibing ang kanyang ama, naisipan niyang ilagak ang kanyang 86 years old na ina sa isang private nursing home. Magbabayad na lang siya sa mga ito para sila ang mag-alaga sa kanyang ina. Sakitin na ang kanyang ina. Siya naman ay busy sa kanyang career. Hindi niya kayang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aalaga sa ina. Sinabi niya ang kanyang plano sa ina hindi para kuhanin ang opinyon nito kundi ipaalam na nakatakda siyang dalhin sa home for the aged kinalingguhan. Walang imik ang ina. Pero walang tigil ang pagdaloy ng luha nito.

Habang sakay sa kotse ang kanyang ina patungo sa nursing home ay wala itong kakibu-kibo. Nang dalhin ang ina sa magiging kuwarto nito at nagpapaalam na si Carlo, saka tuluyang humagulgol si Aling Tinay. Para siyang bata na iniwan ng ina sa mga hindi kilalang tao at lugar. Lumipas ang tatlong taon, nanghina ang katawan ng matanda. Habang naghihingalo ay nakuha pa nitong magbilin kay Carlo:

“Anak, pagkalibing sa akin, mag-donate ka dito ng malambot na higaan. Madalas akong hindi makatulog dahil matigas na papag ang hinihigaan ko. Magbigay ka rin ng electric fan dahil mas marami  ang sira kaysa umaandar. Kapag tag-araw, hindi ako mapakali dahil sa sobrang init. Ibili mo rin sila ng malaking refrigerator para hindi sila mapanisan ng pagkain. Madalas akong hindi kumakain dahil panis ang naibibigay sa aking pagkain.”

“My God, Mama, bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin? Kung kailan mamamatay ka na?”

“Anak, ang bilin ko ay para sa iyo. Ikaw ang inaalala ko. Hindi ka sanay sa hirap. Paano kung sa pagtanda mo ay dito ka rin dalhin ng magiging anak mo? Mabuti na iyong may ideya ka kung ano ang sitwasyong daratnan mo.”

Tuluyan nang ipinikit ng matanda ang kanyang mata. Bigla, nagkaroon ng realization. Paano niya malalaman ang kaawa-awang sitwasyon ng ina, eh, noon lang niya ito nadalaw sa loob ng tatlong taong pamamalagi nito sa nursing home.

CARLO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with