Tulungan kaming mga tindera para hindi mabaon sa Bumbay
(Pang-masa) - January 16, 2017 - 12:54am

Nabasa ko na ipatitigil na ni President Digong ang pagpapautang ng ‘‘5-6’’ na ginagawa ng mga Bumbay. Inaamin ko na matagal na akong suki ng Bumbay.  Maski ang namayapa kong nanay na tindera rin sa palengke ay umasa rin sa Bumbay sa mahabang panahon. At nakaraos naman kami dahil sa pangu-ngutang sa Bumbay. Nanatili kaming may puwesto sa palengke at hindi naman sumasala sa oras.

Galit si Digong sa nagpa-‘‘5-6’’ dahil sobrang laki ng interest. Ipadedeport daw niya ang mga Bumbay. Kung ganito ang balak niya, sana naman, mag-isip sila ng paraan kung paano pauutangin ang katulad naming maliliit na tindera. Sana mayroong banko na maliit ang interes at kahit araw-arawin din ang paniningil gaya ng Bumbay. Hindi rin sana pahirapan sa mga kailangang requirements o ID at iba pa para makautang. --SHIELA DE CRUIZ, Vicente Cruz, Sampaloc, Manila

BUMBAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with