Babae sa Venezuela, tinangkang itakas sa kulungan ang boyfriend sa loob ng bagahe
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 13, 2017 - 12:00am

HULI ang isang babae sa Barcelona, Venezuela sa pagtatangka nitong itakas mula sa bilangguan ang kanyang nobyo sa pamamagitan ng paglalagay sa lalaki sa loob ng kanyang dalang bagahe.

Noong isang linggo ay binisita sa kulungan ng 25-anyos na si Anonieta Robles Souda ang boyfriend niyang si Ibrain Jose Vargas Garcia na nakapiit dahil sa carnapping.

Bitbit ni Souda sa kanyang pagbisita ang kanyang 6-anyos na anak at isang kulay pink na bagahe na karaniwang dala ng mga bisitang mamamalagi ng magdamag sa kulungan.

Ang hindi alam ng mga guwardiya, may balak palang umuwi bilang isang pamilya sina Souda at Garcia kinabukasan.

Tagumpay na sana ang plano nilang pagpuga kung hindi lang napansin ng mga sundalong nagbabantay na hirap na hirap si Souda sa paghila ng kanyang bagahe.

Pinigilan nila ang babae at nang inspeksyunin ang laman ng bagahe ay natagpuan nila sa loob nito si Garcia na nakabaluktot ang katawan sa pagpupumilit na magkasya sa maliit na espasyo.

Balik kalaboso si Garcia samantalang inaalam pa kung ano ang isasampang kaso kay Souda. Inilagay naman sa pangangalaga ng pamahalaan ang kanyang anak.

BARCELONA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with