Ang Ulan at Baha
ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - November 27, 2016 - 12:00am

Ulan nang ulan kung ilang araw na

Kung minsa’y malakas kung minsa’y mahina;

Ganitong panahon sabi ng PAGASA

Ay dulot ng bagyong pumasok sa bansa!

 

Ganito sa bansa kapag dumarating

Panahong tag-ulan sa baya’t bukirin;

Sa panahong ito -- itong bansa natin

Sagana sa tubig na sa langit galing!

 

At sapagka’t langit ang s’yang nagtatakda

Kung kailan hihinto ang ulan sa bansa;

Kaya ang langit din ang siyang bahala

Kung paarawin o kaya’y babaha!

PAGASA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with