Taasan pa ang presyo ng sigarilyo para wala nang magbisyo

Nabasa ko ang inyong opinyon ukol sa pagtataas ng tax sa sigarilyo. Tama po kayo na kapag tinaasan ang tax rate tiyak na tataas ang presyo nito. Sana nga ay gawin ito para hindi na makabili ng sigarilyo ang marami dahil sa sobrang mahal. Parang ginto na ang presyo.

Ito na ang tamang paraan para mapatigil sa paninigarilyo ang marami. Maililigtas sila sa pagkakasakit. Marami nang namatay sa pagyoyosi kaya dapat nang maputol ang bisyo.

Dapat nang ihinto sapagkat hindi lamang ang naninigarilyo ang nagkakasakit kundi pati ang nakakalanghap nito. Sana matupad ang panukalang ito.

---BOB GUEVARRA, Lacson St. Sampaloc, Manila

Show comments