Inutil ang BuCor, balasahin na!

Nabasa ko po ang inyong editorial noong Hunyo 1 na may kaugnayan sa gagawing pagbalasa ni President Duterte sa Bureau of Correction (BuCor). Tama po kayo sa inyong paninindigan na dapat unahin ni Digong ang pagbalasa o kaya’y buwagin na ang BuCor sapagkat inutil na talaga ito.

Nakapagtataka po talaga na sa kabila nang mga paggalugad sa Bilibid (nasa 34 na yata) ay nananatili pa rin ang mga kontrabando. Naglalaro lamang ba ang BuCor at hindi nila maubos ang kontrabando na kinabibilangan ng droga, cell phone, gadget at mga baril. May pera pa ngang nakumpiska na umano’y kita mula sa pagbebenta ng shabu.

Inutil! Napakainutil ng BuCor at dapat unahin ni Digong na balasahin o buwagin sa pag-upo sa Hunyo 30. Kung maaari nga ay ilipat sa isang isla ang Bilibid para wala nang anomalya gaya nang pagpapasok ng droga kasabwat ang mga korap na jailguard.

Sana magawa ito ni Digong. Salamat sa PM.

---SAMUEL MAGTIBAY,

Sta. Cruz, Manila, samuel_16@yahoo.com

Show comments