^

Punto Mo

Paano iiwas sa UTI? (2)

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

ISA sa pangkaraniwang impeksyon na nakukuha natin ay ang Urinary Tract Infection (UTI). Ibig sabihin, may impeksyon sa pathway na dinadaluyan ng ihi mula sa kidney hanggang sa urethra (yung tubong nilalabasan ng ihi sa ari). Pihadong minsan sa ating buhay ay nagkaroon tayo ng UTI.

Paano ba tayo makaiiwas sa pagkakaroon ng UTI? Ma­katutulong ang sumusunod:

Uminom ng maraming tubig araw-araw. Ilang beses na natin itong narinig pero isa itong praktikal na payo. Subukang uminom ng isang baso ng tubig kada ikalawa o ikatlong oras. Pero kung kasalukuyang may UTI, uminom ng tubig nang mas madalas para makaihi oras-oras.

Huwag magpigil kung nararamdamang naiihi na. Madalas na natin itong naririnig mula sa mga tao sa ating paligid.  Pero tama ito.

Para sa mga kababaihan, kung magpupunas pagkatapos umihi, gawin ang pagpunas mula sa harap patungo sa likuran (from front to back) upang hindi madala ang bacteria mula sa dakong puwit (anus) patungo sa puwerta. Ganito rin ang gagawing pagpunas matapos magpupu. Ito ang pinakamadalas na sanhi ng pagkakaroon ng UTI. Huwag kalilimutang hugasan ang ari (from front to back) kahit minsan sa maghapon.  Gumamit lamang ng mild soap o kahit simpleng tubig lamang.

Kahit ang mga sanggol at bata ay nagkakaroon din ng UTI. Kaya ugaliing i-tsek ang diaper o lampin ng baby kung basa na ito ng ihi o pupu. Sa mga diapers, minsan ay di napapansin na tigmak na pala ito ng ihi. Mas matagal nakababad ang ari ng bata sa ihi, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng UTI.

Tandaan na kahit ang mga lalaki ay nagkakaroon din ng UTI. Huwag ipagkamaling pambabae lamang ang impeksyong ito bagama’t mas maraming babae ang nagkakaroon nito.

Maglinis ng sarili bago makipagtalik. Tama, mas mabuti kung maliligo muna bago makipagtalik para tiyak na malinis ang sarili. Pero kung hindi posible ang paliligo muna, dapat maghugas ng kamay at ari bago makipagtalik upang matanggal ang mga nakakapit na bacteria sa balat. Higit itong maipapayo sa mga taong sinusubukang makipagtalik gamit ang anus (anal sex). Maghugas muna kung nakipag-anal sex bago muling magkaroon ng kontak sa puwerta. Sa gayon, hindi maililipat ang bacteria mula sa anus patungo sa puwerta.

Iwasang magsuot ng pitis o mahihigpit na pantalon. Puwede kasing magdulot ng pressure o trauma ang mahigpit na pantalon sa ating urethra. Bawasan din ang matinding physical activities gaya ng pagbibisikleta.

Bawasan ang pag-inom ng kape (o anumang inumin na mayaman sa caffeine) at alak sapagkat puwede itong makairita sa pantog. Sakaling iinom ng alak at kape, uminom ng sapat na dami ng tubig para mapatabang (ma-dilute) ang mga ito. 

Sa mga babaing kasalukuyang nagme-mens, dalasan ang pagpapalit ng menstrual pads. Ang dugo na nasa pad ay posibleng magsilbing tulay ng bacteria upang makatawid mula sa anus tungo sa urethra. Maipapayong maghugas ng ari kahit dalawang beses maghapon kapag may mens.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with