Siya na ba ang Soulmate mo?

NARITO ang 10 palatandaan:

Tinginan lang, nagkakaintindihan na.

Kabisado ninyo ang isa’t isa kung paano pakakalmahin kapag nagagalit o pasasayahin sa oras ng kalungkutan.

Naroon pa rin ang spark kahit matagal nang magkasama. Parang laging bagong magsyota o laging bagong kasal ang pakiramdam.

Maikling panahon lang magkakilala pero parang kilalang-kilala na ninyo ang bawat isa.

Bihirang mag-away dahil may respeto sa isa’t isa. Hindi nagmumurahan o nagbabanta ng: Hihiwalayan na kita! Walang ganoong drama.

Hindi ka nagseselos dahil nadadama mo na ikaw lang ang kanyang mamahalin.

Naipapakita mo sa kanya ang natural mong ikaw—good side at bad side. At hindi iyon nakakabawas ng pagmamahal niya sa iyo.

Naging mas mabuti kang tao mula nang magkakilala kayo.  Ang pagbabago mo ay hindi sinadya. Basta lang nangyari.

Kapag nagkahiwalay nang ilang araw, parang sabik na sabik kayo sa isa’t isa. Hindi matapos-tapos ang kuwentuhan kapag nagkita.

Nagkakilala kayo sa tamang panahon. Walang hadlang, tao man o sitwasyon.

“Our souls already know each other, don’t they?’ he whispered. ‘It’s our bodies that are new.”– Karen Ross

Show comments