Happy birthday, Love

Sa kaarawan mo ang buwang makinang

Tinatanglawan ka sa iyong himlayan

Sa pagyao’t ditong ihip ng amihan

Ang kaligayahan ay nakikirasal

 

Sa kaarawan mo ang puso kong pipit

Sa duklay ng nasa’y marahang umawit

Sa bintanang ulap araw ng sumilip

Pangiting nagwika: “buhay mo’y lumawig”

 

Sa kabanguhang mula sa bulaklak

Nagsisipagsaya at humahalakhak

Sa araw na ito lahat kulay rosas

Kaiga-igaya sa aking pangmalas

Show comments