^

Punto Mo

Lalaki sa India, nakipagdiborsiyo dahil laging pinagko-condom ng asawa

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MARAMING reklamo sa kanyang asawa si Pradeep Bapat ng Bombay, India kaya gusto na niyang makipagdiborsiyo rito. Ang pinaka-latest niyang reklamo ang matindi at naniniwala siyang pakikinggan na siya ng judge at matutuloy na ang inihahain niyang diborsiyo.

Reklamo ni Bapat sa kanyang asawang si Prerna, tumatanggi ito na bigyan siya ng anak. Ayon sa babae, hindi pa sila dapat magkaanak. At para matupad ang kagustuhan ni Prerna na huwag silang magkaanak, pilit siyang pinagsusuot ng condom sa oras ng pagtatalik. Gusto man niyang tumanggi ay hindi puwede kaya wala siyang magawa kundi mag-condom. Kaya hindi raw nakapagtataka kung bakit wala silang anak makaraang magpakasal noong Pebrero 2007.

Nang tanungin si Prerna kung bakit pinagko-condom ang asawa ay dahil hindi pa sila handang magkaroon ng anak.

Pero maski ang mga judges sa High Court ay naniniwalang si Bapat ang may deperensiya. Nang unang maghain ng divorce si Bapat ay sinabi niyang walang alam sa mga gawing bahay si Prerna. Hindi marunong magluto at maglinis ng bahay. Gusto raw niya ay isang babaing edukada at may magandang trabaho.

Hatol ng judge sa complaint ni Bapat, “Ang babae ay hindi alipin.” Hindi umano grounds para sa divorce ang mga complaint ni Bapat. Kapag daw pinayagan o pinanigan si Bapat lahat ay maaaring mag-file ng divorce.

Hinihintay pa ni Bapat ang desisyon sa latest niyang complaint na pinagko-condom siya ng asawa para hindi sila magkaanak.

ANG

AYON

BAPAT

HATOL

HIGH COURT

HINDI

HINIHINTAY

KAPAG

NANG

PRADEEP BAPAT

PRERNA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with