Pag-asa ni Rizal?

Mabibihira mo sa panahong ito

Mga mamamayang may ugaling santo;

Kahit saang pook kahit saang dako

Sanggano at maton ang naggala rito

 

Sa mga lansanga’y iyong makikita

Kabataan nating ngayo’y nagbago na;

Sa halip na libro ang kanilang dala

Ay bote ng alak, baril at lanseta

 

Mga kabataang inasam ni Rizal

Na sa bayan natin ay magsasanggalang

Ay siya pa ngayong puno at dahilan

Ng pataya’t riot, mga kaguluhan

 

Ang kababaihang dapat ay simbolo

Ng magandang kilos at damdaming santo

Di pa man dalaga’y mayro’n ng querido

At pati ang sumpa’y bigay-bawing “Oo”

Show comments