Sampaguita (173)

HINDI makapaniwala si Sampaguita sa nakita sa loob ng bedroom. Ang kanyang Lola Rosa! Nakaupo ito sa isang silya. Maayos ang suot. Halatang bagong bili ang damit. Nakangiti ito sa kanya.

“Lola! Ikaw nga ba Lola?’’ Sabi ni Sam at masayang lumapit sa kanyang Lola na nanatiling nakaupo at hinihintay ang paglapit niya.

Mahigpit na niyakap ni Sam ang kanyang lola. Sabik na sabik siya rito. Pinaghahalikan niya sa pisngi ang kanyang lola.

Matapos paghahalikan at yakapin, naupo sa kama si Sampaguita at nakipagkuwentuhan sa matanda.

‘‘Sino ang nagdala sa iyo rito, Lola?’’

‘‘Mga tauhan ni Sir Manuel. Ipinasundo ako sa helicopter.’’

Gulat si Sam. Masyado siyang sinorperesa ni Sir Manuel.

‘‘Sabi ng mga sumundo sa akin, magkikita na raw tayo dito sa Maynila. Kaya sumama agad ako. Ang sarap palang sumakay sa helicopter, Apo.’’

Nakangiti lang si Sampaguita. Excited ang kanyang lola sa pagkukuwento.

‘‘Pagdating dito, inasikaso ako ng mga maid ni Sir Manuel. Si Viring ang nag-asikaso sa akin. Siya raw ang kasama mo dati sa isang bahay ni Sir Manuel.’’

‘‘Opo Lola. Mabait po si Viring.’’

“Siyanga pala nasan si Ram. ‘Yung nobyo mo?’’

‘‘Lola, alam mong nobyo ko si Ram?’’

‘‘Nakausap ko siya nang magdala ng pera sa akin at sa kilos niya, nahulaan kong magkasintahan kayo. Mabait siya at magiging mabuting asawa.’’

“Magpapakasal na po kami, Lola.’’

“Aba sige. Para naman magkaroon na ako ng apo sa tuhod.’’

‘‘Siyanga pala Lola, kumusta sina Papa at Mama. May balita ka sa kanila?’’

Umiling ang matanda.

(Itutuloy)

Show comments