Nagbagong paligid

San hindi mawaring galaw ng daigdig

waring nagbabago ang ating paligid

Panahong tag-ulan ay lubhang mainit

di na tulad noon – mabango’t malamig!

 

Walang anu-ano’y ating nadarama

Inang Kalikasan ay nagbago na nga;

Kung summer vacation hindi na masaya

Pagka’t umuulan halos walang tila!

 

Kung tag-ulan naman ramdam mo’y mainit

sa mga tahanan wala namang lamig;

Ang panahon ngayon tila nagagalit --

dahil mga tao’y masama, ang isip!

 

Ngayo’y malimit nang magdaan ang bagyo

ang ulan at baha nagiging perwisyo;

Ito’y mga tandang sa lahat ng dako

Inang Kalikasan waring nagtatampo!

Show comments