Prinsipyo’y nasaan?

Anong dapat gawin nating Pilipino

sa mga problemang dumarating dito?

Hindi naman tamang umupo lang tayo

dahil naglaho na ang ating  prinsipyo?

 

Ang prinsipyo natin laging nakataya

sa mga gawaing pawang masasama;

ang ating gobyerno ang takbo’y saliwa

kaya tayo’y tanga  at walang magawa!

 

Sana’y nagbago na ang pamahalaan

upang lahat tayo’y masayang gumalaw;

lahat tayo ngayon ay hawak sa kamay

ng lahat ng tukso  at kapahamakan!

 

Kaya papaanong mayama’t mahirap

sa ating prinsipyo ay mamayagpag?

Gayong lahat tayo’y pawang naghahangad

ng magandang buhay sa prinsipyong huwad.

 

Show comments