Manong Wen (72)

UMIIBIG siya kay Princess Bibingka. Iyon ang nadarama ni Jo. Hindi niya maaaring dayain ang sarili. Pagkaraan ng mga nangyari sa kanyang kasawian sa pag-ibig habang nasa Saudi Arabia, ngayon na lamang uli muling tumibok ang puso niya. Ngayon na ang sa maisip niya, ano kaya at lihim siyang bumili ng bahay at lupa sa barangay nina Princess. Kung doon siya titira, lagi niyang makikita si Princess. Pero ililihim niya ang bibilhing bahay at lupa. Tama! Ganun na lamang ang gagawin niya. Iingatan lamang niyang huwag malaman ni Princess ang kanyang plano. Kapag nakapagpatayo na siya ng bahay dun, saka siya unti-unting lalantad.

Inabot ni Jo ang cell phone niya na nakapatong sa mesita. Pero dumulas ang phone at bumagsak sa suwelo. Dinampot ni Jo. May nakita siyang crack. Nang inspeksiyunin niya, parang may kumalas na parts. Subalit pinagsawalang kibo iyon ni Jo.

NANG mga sandaling iyon ay nagpasya si Princess na tawagan sa cell phone si Jo. Sasabihin niya rito ang problema kay Chester na gustong kidnapin si Precious.

Pero matagal na siyang tumatawag ay walang sumasagot. Busy ang linya ni Jo.

(Itutuloy)

Show comments