Tungkulin ng media

Tungkulin ng media isulit sa bayan

gawain ng mga taong tampalasan;

dito’y di exempted itong kapulisan

kung sila ay tampok sa holdap, patayan!

 

Tungkulin ng media sa lahat ng dako

ireport sa bayan nangyayaring gulo;

sa radyo at TV saka peryodiko

dapat na banggitin kriminal na tao!

 

Kaya bakit sinisisi mga nasa media

kung may palsong pulis ibinabalita?

Pero hindi tamang ang mga dyarista

sisihin sa wasto nilang ginagawa!

 

Mga nasa media di dapat sisihin

mga anomalya sinasala pa rin

ang PDAF at DAP nang dito’y dumating

media ang nagsumbong sa bayang gupiling!

Show comments