^

Punto Mo

Lalaki sa Holland, tinaguriang ‘Ice man’ dahil hindi tinatablan ng lamig

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Holland ang tinaguriang ‘Ice Man’ dahil kaya nitong tagalan ang nagyeyelong temperatura kahit walang suot na damit bukod sa kanyang shorts.

Teenager pa si Wim nang malaman niya ang kakaibang kakayahan nang sinubukan niyang tumakbo sa niyebe nang nakayapak. Nang hindi siya manlamig matapos tumakbo sa yelo ng walang sapin sa paa ay saka niya napagtantong may kakaiba siyang kakayahan. Simula noon, palagi nang sinusubukan ni Wim ang tibay sa lamig.

Ang isa sa mga kagila-gilalas na ginawa ni Wim para masubukang tumagal sa lamig ay nang mag-marathon malapit sa North Pole nang nakayapak at suot lamang ng shorts. Tumakbo siya sa layong 43 kilometro sa loob ng 5 oras at 25 minuto.

Muli niyang sinuong ang matinding lamig habang nakahubad nang akyatin niya ang Mount Everest noong 2007 nang walang ibang suot kundi ang kanyang shorts. Bagamat hindi niya narating ang tuktok dahil sa pagkakaroon niya ng injury sa paa, napatunayan naman ni Wim na kaya ng hubad na katawan ang nagyeyelong klima ng pinakamataas na bundok sa buong mundo.

Lubos na napatunayan ni Wim ang kanyang kakayahan nang makuha niya ng dalawang beses ang world record na pinakamatagal na pagbababad sa yelo. Una niyang nakuha ang world record noong 2010 nang tumagal siya ng 1 oras at 44 minuto habang nakababad ang buo niyang katawan sa isang container na punumpuno ng yelo. Nilampasan pa niya ang sariling record noong 2011 nang tumagal pa lalo ang pagkababad niya sa record na 1 oras at 52 minuto.

Naniniwala naman si Wim na hindi espesyal ang kanyang kakayahan. Naniniwala siya na kakayanin ng kahit sino ang kanyang mga ginagawa basta’t may sapat na training sa katawan at isipan. Sa katunayan, nagsulat siya ng isang libro tungkol sa mga paraan at pagsasanay kung paano makakamit ng pangkaraniwang tao ang kanyang kamangha-manghang kakayahan.

 

BAGAMAT

ICE MAN

KANYANG

LUBOS

MOUNT EVEREST

MULI

NANG

NANINIWALA

NIYA

NORTH POLE

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with