SA librong “Be The Miracle†ni Regina Brett ay may 50 mahahalagang aral sa buhay. Narito ang ilan sa mga aral:
1. Magsimula kung nasaan ka. Hindi mahalagang masaklap, pangit o hindi maganda ang nakaraan mo. Ang mahalaga ay kung ano ka ngayon at kung ano ang magagawa mo sa kasalukuyan. Dahil ngayon mo mahuhulma ang bukas mo. Ano man ang nais mong simulan, gawin ito ngayon nang walang paglingon sa naging nakaraan mo. Huwag matakot. Ang ngayon ang bago mong pag-asa upang mapaganda ang hinaharap.
2. Maging abala sa posible. Madalas sa buhay, kapag nagkakaproblema tayo, masyado tayong nakapokus sa problema, kung paano tayo nito sinaktan o sinusubukan. Minsan nauubos ang oras natin sa pamumroblema, na dapat ay ginagamit sana sa paggawa ng mga posibleng solusyon. Huwag magsayang ng oras sa hindi posible. Alamin ang posible at ito ang puspusang gawin.
3. Malaki ang magagawa mo gaano man kaliit ang iyong kinikita. It’s the thought that counts, ika nga nila. Hindi kailangan maging mamahalin ang isang bagay o gawain upang maalala ito ng mga tao, upang kumurot sa puso, upang mabago ang buhay nila. Minsan nga ang kailangan lang ng tao ay ngiti at makakausap. Wala ngang bayad ang mga ito. Huwag maliitin ang kakayanan mong baguhin ang mundo. You are capable.
4. Palakihin ang mabuti. Tayo ay nilikha umanong mabubuti. Kahit pa may gawin tayong masama, mayroon pa ring kabutihan sa atin. Kung gusto nating gumanda at gumaan ang ating buhay, hindi lamang natin dapat hanapin ang kabutihan. Bagkus, kapag nahanap ito sa kapwa ay dapat palakihin ito at ito lang ang piliing makita sa kanila. Choose the good and magnify it. Para sa tuwing makakaharap mo sila, tanging ito lamang ang makikita mo.
5. Gawin ang iyong lahat nang makakaya at huwag ng alalahanin pa kung ano ang kalabasan nito. Minsan masyado tayong conscious kung ang kakayahan ba natin ay sapat na para sa ibang tao, to the point na nababawasan ang ating kumpiyansa sa ating sarili. Basta ginawa mo ang lubos ng iyong makakaya, wala kang dapat pang ikabahala - whether it pleases others or not. (Itutuloy)