Gusto mong tumira sa Mars?
ANO ang magiging buhay ng tao sakaling dumating ang sandali na puwede nang tumira sa Mars?
Ayon sa National Aeronautics Space Administration ng Amerika na, sa simula, maaaring sa ilalim ng lupa tumira ang tao sa Mars dahil wala itong ozone layer na mangangalaga sa atin laban sa radiation. Hindi ito gaya ng Daigdig na merong ozone layer at makapal na atmospera na nangangalaga sa sangkatauhan laban sa masasamang elemento sa kalawakan. Malamang din daw na mag-recycle ng tubig at hangin dahil kapos sa ganitong likas-yaman ang kapitbahay na ito ng daigdig. Dapat din anilang magbaon nang maraming oxygen at nitrogen ang sinumang tao na bibisita sa Mars para makapamuhay doon.
May mga kaukulang pananggalang din o shelter na kakailanganin ang tao para mapangalagaan siya laban sa masamang temperatura at klima ng Mars. Sobra raw ang lamig doon. Kung may paraan nga lamang, maaaring lumikha ng isang klase ng atmosphere sa buong Mars na kahalintulad ng sa daigdig. Sa ganitong paraan, masasala ng malilikhang atmosphere ang mapaminsalang solar at cosmic radiation at ligtas na makakapamuhay dito ang sangkatauhan. Tinatawag na “Terraforming†ang proseso na, rito, babaguhin ang kapaligiran ng isang planeta para maging kahalintulad ito ng daigdig. Naniniwala ang ilang scientist na maaaring magawa sa Mars ang proseso na ginamit sa daigdig para maging kaaya-aya at mahihingahan ang hangin dito. Kailangan lang daw na kumapal ang atmosphere, uminit ang planeta at lumikha ng kapaligirang magbibigay ng tsansa sa mga halaman at hayop na mabuhay.
Ang isang tao na titira sa Mars ay dapat ding magsuot ng spacesuit na katulad ng ginagamit ng mga astronaut dahil napakalamig at napakanipis ng atmosphere doon. Kailangan ding mainitan at kakailanganin pa ang isang klase ng pressurized environment para hindi sumabog ang iyong katawan.
- Latest

















