^

Punto Mo

Babae, nakaligtas sa plane crash pero hindi sa car crash!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NOONG 2009, na-late si Johanna Ganthaler, isang Italian, sa Air France Flight 447. Hinayang na hinayang umano siya dahil hindi nakasakay sa flight.

Pero ang panghihinayang ni Ganthaler ay napalitan ng kasiyahan sapagkat nakaligtas siya sa plane crash. Apat na oras ang nakalipas nang mag-take off ang Air France sa Rio de Janiero Airport, nag-crash ito sa Atlantic Ocean at namatay lahat ang 228 na pasahero.

Ganun na lamang ang pasasalamat ni Ganthaler sapagkat nakaligtas siya sa kamatayan. Si Ganthaler ay isang pensioner mula sa Bolzano-Bozen province, Italy.

Pero kung nakaligtas si Ganthaler sa plane crash, hindi siya nakaligtas car crash.

Nagtungo sa Austria si Ganthaler at kanyang asawa. Tuma­tawid sa kalsada ang kanilang sasakyan nang banggain ng isang truck. Namatay noon din si Ganthaler samantalang malubha ang kanyang asawa. ---www.oddee.com—

 

AIR FRANCE

AIR FRANCE FLIGHT

APAT

ATLANTIC OCEAN

GANTHALER

JANIERO AIRPORT

JOHANNA GANTHALER

PERO

SI GANTHALER

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with