Karneng Leon, isini-serve sa isang restaurant sa Florida

KARANIWANG makakarinig na sa ilang restaurant ay may nagsi-serve ng mga putaheng kakaiba o exotic. Dito sa Pilipinas, may mga restaurant na nagsi-serve ng karneng aso (bagamat bawal ito), palaka, bayawak, ahas at iba pa.

Pero sa isang restaurant sa Florida, mayroon silang isini-serve na talagang kakaiba sa lahat. Karne ng leon!

Ang Mokutanya Yakitori Restaurant sa Burlingame ay nagsisilbi sa kanilang customer ng karneng leon. Nagkakahalaga ng $70 ang bawat serving ng karneng leon.

Ang Mokutanya Yakitori ay isa sa mga dinadayong res­taurant sa Florida sapagkat napaka-sarap ng pagkain. Maraming bumabalik na customer.

Ayon sa management, ang karne ng leon na sini-serve sa restaurant ay nagmula sa farm. Pawang farm-raised African lion ang sinisilbi. Bukod sa karneng leon, nagsi-serve din ng exotic items gaya ng peacock at swan. (www.oddee.com.)

Show comments