NITONG mga nagdaang linggo, naging usap-usapan ang Kasambahay Law. May mga conflict sa nasabing batas ukol sa pagkaltas ng mga benepisyo para sa kinabukasan ng kasamÂbahay. Mayroong ayaw makaltasan sila. Kabawasan daw ito sa kakarampot na suweldo nila. Ang P150-200 na kaltas ay 5-10% na ng kanilang aktwal na kinikita.
Bagamat maganda ang hangarin ng nasabing batas, hindi naman makuha ang 100% pagsang-ayon ng mga kasambahay at amo. Daing naman ng mga amo, kung ang mga kasambahay ay mayroong benepisyo, ano naman ang magandang balik ng batas sa kanila? Anong proteksyon din ang matatamo nila sa pagsunod sa batas na ito. Papaano kung hindi naman sa agency galing ang kasambahay? Papaano kung namasukan lamang para sa “benepisyo†pero hindi naman nagpi-perform ng tama, mababalewala ang kontrata hindi ba? Papaano kung bigla na lamang silang layasan ng kasambahay, o hindi na ito bumalik mula sa day-off, ano ang mangyayari sa itinabi na employer’s share para sa SSS, Pag-IBIG etc. ng mga kasambahay? Papaano kung pagnakawan sila, ano ang habol ng mga amo? Panay umano benepisyo sa mga kasambahay pero wala silang naririnig na magandang balik sa kanila bilang mga amo.
Ikatlo, papaano raw kung menor de edad ang kasambahay na namamasukan sa kanila? PagÂlabag ito sa Anti-Child Labor Law, pero papaano kung ang bata ang buong-pusong namasukan upang tulungan ang kanyang mga magulang na paaralin ang mga mas batang kapatid nito at para may maipambili ng gamot para sa may sakit nitong ina? Paano tatanggihan ang isang taong willing na magtrabaho, maisalba lamang ang kanyang pamilya? Gagawa ka ba ng kontrata o pormal na kasulatang sinasabing nagkakasundo kayo na sa halip ng kanyang edad ay hindi mo siya pinilit na mamasukan sa inyo? Puwede. Dahil kung wala kayong kasulatan, baka habulin ka ng kasambahay mo in the future at isumbong ka sa labor. Mabuti na ang may hawak na ebidensiya na mutual ang agreement ninyo sa pagiging amo mo sa kanya.
Hindi talaga makakakuha ng 100% consensus sa mga bagay-bagay. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay sasang-ayon ang lahat. Pero sa mga ganitong bagay na isinasabatas, kailangan ay malinis, malinaw at patas ang probisyon para sa lahat ng kasapi.