BAKLANG BARAKONG TUPA – Kung titingnan ang mga barakong tupa (ram) hindi aakalain na sa kanilang matigas na kaanyuan ay mayroon din pala sa kanilang bakla.
Sa pag-aaral, napatunayan na ang mga barakong tupa ang may pinaka-maraming bakla sa lahat ng mammals. Ayon sa scienÂtific studies, nasa walong porsiyento ng mga barakong tupa ang bakla. Mas matindi ang bonding ng mga barakong tupa sa kapwa barako kaysa sa mga babaing tupa (ewes).
Ang nakakatuwa sa mga baklang barakong tupa ay hindi sila nagtatalik. Basta lagi silang magkasama at naghaharutan na parang mag-asawa. At ayon pa sa pag-aaral, matagal ang pagsasama ng mga baklang barakong tupa. (listverse.com)
* * *
T-BIRD NA IBON – Kapag nakakita kayo ng magkaparehang albatrosses na naghahalikan sakali at magtungo kayo sa Oahu, Hawaii, huwag akalaing sila ay mag-asawang babae at la-laki. Sila ay kapwa babae at mga lesbian! Yes, mga tomboy sila na walang pakialam sa pagpapakita nang pagmamahalan sa isa’t isa.
Noong 2007, nagsagawa ng pag-aaral ang mga scientist sa albatrosses na makikita sa Oahu. Nalaman nila na 31 percent ng albatrosses ay mga t-bird. Matindi ang bonding ng mga tomboy na albatrosses. Magkasama sila sa pugad, naghahalikan (tuka sa tuka). Tumatagal ang pagsasama ng mga tomboy na albatrosses ng 19 na taon. Sa New Zealand, napatunayan din na may mga tomboy na albatrosses na nagsasama sa isang pugad. Ibig sabihin, marami nang tomboy na ibon sa mundo. (listverse.com)