Hubo’t hubad sa pagtulog …marami raw health benefits?

Narito ang 6 na dahilan kung bakit mainam na nakaburles habang natutulog:

I Ang sabi ni Jennifer Landa, MD, author ng The Sex Drive Solution for Women: Sleeping naked can be healthier for your vagina. Natural lang na magkaroon ng yeast at bacteria sa maselang bahagi ng isang babae ngunit dahil sa warm environment, nagdudulot ito ng overgrowth na nagiging dahilan ng infection. Ang makakahadlang sa infection ay pagpapahangin ng vagina sa pamamagitan ng pagtulog ng hubo’t hubad.

II Napakahalagang maginhawa ang pakiramdam habang natutulog ayon kay Lisa Shives, MD, director ng National Sleep Foundation. Pinaiinit ng suot na damit at blanket ang katawan kaya’t ang tendency ay magising sa kalagitnaan ng pagkahimbing. Kung hubad ka, mananatiling maginhawa ang pakiramdam at magiging tuloy-tuloy ang tulog.

III Ayon kay Natasha Turner, best-selling author ng librong The Hormone Diet, nilalabasan ng growth hormone ang katawan kung ang temperature nito ay mababa. At mangyayari lang ito kung nahahanginan at nagiginhawahan ang buong katawan. Ang growth hormone ang dahilan kung bakit nananariwa at gumaganda ang ating balat.  (Itutuloy)

Show comments