Birthmark ng bata kumakalat!

KAGILA-GILALAS ang nangyayari sa birthmark ng 6-na-taong gulang na batang babae: kumakalat ito sa kanyang likuran at may makapal pang balahibo. Kung titingnan ang likuran ng bata ay para itong baka.

Ayon sa mga doctor ni Li Xiaoyuan, singlaki lamang ng tansan ang birthmark ni Liu sa likod. Pero nagtaka sila sapagkat mabilis ang pagkalat at halos matakpan na ang likod. May nakakatakot pang balahibo. May mga palatandaan kumakalat na rin sa braso at mukha.

Ayon kay Dr. Lou Zhongquan ng Zhaoqing City Dermatological Hospital, ang bata ay may hereditary disease kung saan ang nunal ay hindi makontrol sa pagkalat o paglaki. (Hinango sa www.oddee.com)

Birthmark, natakpan ang kanang bahagi ng mukha

NATAKPAN ng birthmark ang kanang bahagi ng mukha ng isang 8-taong gulang na batang lalaki sa China. Ipinanganak si An Qi na may malaking birthmark. Hindi makapaniwala ang kanyang mga magulang. Habang lumalaki si An Qi ay lumalaki rin ang birthmark. Tinubuan din ng balahibo ang birth mark. Hindi malaman ng mga magulang ni An Qi kung ano ang gagawin sa kanilang anak.

Hanggang sa isang ospital ang mag-offer ng libreng surgery sa bata. Ayon sa president ng Min Yi Plastic Surgery Hospital sa Changchun gagawin nila ang operasyon ng libre. (Hinango sa www.oddee.com)

 

Show comments