Trike nabagsakan ng poste, babaeng street sweeper pisak

Ang biktima ay papasok pa lamang umano sa trabaho sa General Services Office ng Antipolo City nang mangyari ang aksidente pasado alas-10:00 ng umaga sa Sitio Mapayapa, Barangay Dela Paz.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kaunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang babaeng street sweeper nang mabagsakan ng poste ng kuryente ang sinasakyang tricycle dahilan upang mapipi ito at magtamo ng matin­ding pinsala ang biktima sa Barangay Dela Paz, Antipolo City.

Ang biktima ay papasok pa lamang umano sa trabaho sa General Services Office ng Antipolo City nang mangyari ang aksidente pasado alas-10:00 ng umaga sa Sitio Mapayapa, Barangay Dela Paz.

Isa pang sakay o driver ng tricycle ang ginagamot din dahil sa insidente.

Dahil sa nagbagsakang mga metro at kawad ng kuryente, nawalan ng power o kuryente ang mga kahabahayan sa naturang lugar.

Mabilis namang rumes­ponde ang mga tauhan ng Meralco para isaayos ang nasabing poste kasabay ng pakikipag-ugnayan nila sa pamilya ng biktima at humingi ng pag-unawa sa naganap na insidente.

Nangako rin ang Me­ralco na makikipagtulu­ngan sa mga awtoridad sa ipatutupad na mga hakbang upang hindi na maulit pa ang mga pangyayari.

Show comments