2 drug courier arestado sa higit P14 milyong shabu

MANILA, Philippines — Dalawang Maranao drug couriers na itinuturing na high value individual ang naaresto matapos makuhanan ng mahigit P14 milyong pisong halaga ng droga sa buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Purok-2, Brgy.Hidhid, Matnog, Sorsogon, ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Hamza Rataban Macauco, 54, ng Mulondu; at Paniyaris Imam Bora, 20, ng Maging, Lahat ng Lanao Del Sur.

Bago ang pagkaaresto ay minatyagan ng mga ahente ng PDEA mula Metro Manila ang kilos ng mga suspek hanggang kumagat ito sa inilatag na buy-bust operation, ala-1:06 ng hapon at isang malaking sachet ng shabu sa halagang P100,000 ang nakum­piska.

Nang rekisahin ang dalang sasakyang Toyota Vios (USI-664) ay tumam­bad sa kanila ang dalawang vacuum heat-sealed Chinese tea bags na aabot sa dalawang kilo at may streetvalue na P14,280,000 na nagmula pa umano sa sa Maynila na nakatakda ideliber sa Mindanao.

Show comments