Marcos, kinondena pagpatay sa 4 na sundalo

Relatives of ambush fatality Army Private Jessie James Corpuz watch over his remains, now at the chapel of the Army's 6th Infantry Division in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, along with his three slain companions.
John Unson

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pananambang at pagpatay ng mga teroristang miyembro ng Dawlah Islamiya group sa apat na sundalo sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur noong Linggo.

Sinabi ng Pangulo na ang malagim na sinapit ng apat na sundalo ay lalong nagpalakas sa hangarin ng gobyerno na malipol ang terorismo sa rehiyon at sa buong bansa.

“We strongly condemn the cowardly ambush that targeted four of our courageous soldiers in Maguin­danao del Sur on March 17. This despicable act only to strengthens our resolve to eradicate terrorism from the region and our entire nation,” saad ng Pangulo.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na sa ilalim ng kaniyang administrasyon ay titiyakin niyang ma­bigyan ng mabilis na hustisya ang pagpatay sa apat na sundalo.

Iniutos na aniya nito ang agad na pag-abot ng tulong at benepisyo sa mga naiwanang pamilya ng apat na sundalo.

Show comments