Drug suspect todas sa buy-bust

MANILA, Philippines — Napatay ang isa uma­nong drug suspect na kinilalang si Rubin Fernandez, alias Biolo, 45 nang manlaban sa isang buy-bust operation nitong Sabado sa Davao City.

Sa police report ng Davao City Police Office (DCPO) na alas-11:34 ng gabi ay nagsagawa ang Toril Police Station ng buy-bust operation laban sa suspek sa Lower Lubugan, Toril, Davao City.

Dito ay bumili ng shabu ang poseur buyer na si Police Corporal Regie Abellar ng 1 sachet ng .02 grams of shabu mula kay Fernandez.

Nang aarestuhin na ay bumunot umano ng kalibre 38 baril sa kanyang bewang si Fernandez at ipinutok kay Abellar na mabilis na nakailag.

Gumanti ito ng putok at nasapol ang suspek na dinala sa Davao Mediquest Hospital, subalit idinekla­rang dead on arrival.

Narekober kay Fernandez ang 1.62 gramo ng shabu na may street value na P25,920, at baril na ginamit na .38 caliber na may lamang 4 na bala.

Show comments