1.5 milyong indibidwal darating sa ‘Pinas ngayong Disyembre - BI

MANILA, Philippines — Inaasahang darating sa Pilipinas para sa buwan ng Disyembre ang nasa 1.5 milyong indibidwal.

Ito ang inihayag ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa trend na nagpapakita ng malaking pagtaas ng mga manlalakbay sa 2023.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco sa isang pahayag na nakapagtala ang BI ng humigit-kumulang 1 milyong arrivals kada buwan sa ikalawang quarter ng taon.

Malaking pagtaas ito mula sa 100,000 arrivals kada buwan noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Sinabi rin ni Tansingco na nakapagtala ang BI ng 1,160,699 arrivals na kung saan halos kalahati nito ay foreign nationals, habang nagtala naman ito ng halos 1.1 million departures.

Show comments