MANILA, Philippines — Niyanig ng 6.1 magnitude na lindol ang Balut Island, Sarangani kahapon ng alas-10:48 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 173 kilometro.
Naramdaman ang Intensity II sa General Santos City; Glan, Alabel, Malapatan, Malungon at Kiamba sa Sarangani; Tupi, Tampakan, Koronadal City, Tboli sa South Cotabato.
Naramdaman naman ang Intensity I sa Polomolok, Surallah at Lake Sebu sa South Cotabato; at Maasim at Maitum sa Sarangani.
Wala namang inaasahang aftershocks at nasirang ari-arian matapos ang lindol.