Hindi holiday ang October 31 — Malacañang

People arrive to mark All Saints’ Day at Manila North Cemetery in Manila on Nov. 1, 2022.
AFP / Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil sa harap na rin ng pag-aabang ng publiko na walang plano ang Malacañang na ideklarang holiday ang October 31.

Sinabi ni Garafil na nag-abiso na ang tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi maglalabas ng deklaras­yon para gawing holiday ang nabanggit na petsa.

Dahil dito, ang long week­end ay papatak lamang ng Sabado, October 28 hanggang Lunes October 30.

May pasok ang October 31, araw ng Martes at kinabukasan, araw ng Miyerkules at Huwebes ay pista opisyal ulit dahil sa Undas.

Show comments