Magdalo kay Marcos papasukin ang ICC para maimbestigahan si Duterte

MANILA, Philippines — “Payagang pumasok sa bansa ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC).”

Ito ang panawagan ng grupong Magdalo na pina­mumunuan ni dating Senador Antonio Trillanes IV sa pamahalaang Marcos upang imbestigahan si da­ting Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa grupo, nararapat lang na papanagutin si Duterte sa libong mga namatay sa kaniyang anti-drug war noong panahon ng kaniyang administras­yon.

“We, the Magdalo group, are urging the Marcos administration to allow the ICC investigators into the country in order to make ex-president Rodrigo Duterte accountable for his crimes against humanity,” sabi ng Magdalo sa isang statement.

“This is in light of Mr.Duterte’s recent public admission that he used his Confidential/Intelligence funds to conduct extra-judicial killings on his constituents in Davao City when he was still its mayor,” dagdag pa doon.

Nauna nang nagdek­lara si Pangulong Marcos Jr. na hindi sila makikipagtulu­ngan sa imbestigasyon ng ICC sa kanilang pagsisiya­sat sa giyera kontra ng Duterte administration.

Sabi pa ni Marcos, wa­lang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas na kumalas sa ICC noong Marso 2019.

Show comments