EX-PNP Chief Gen. Azurin, inakusahan si Gen. Sermonia na nagkakalat ng kanyang ‘deportation’ sa Canada

MANILA, Philippines — Inakusahan ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Retired Police General Rodolfo Azurin Jr. si PNP Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Rodel Sermonia ang nagkakalat ng kasinungalingan tungkol sa kanyang umano’y pagkaka-deport sa Canada.

Sa isang text message na nakarating sa mga mamamahayag sa Camp Crame, sinabi ni Gen. Azurin na si Sermonia ang nagpapadala ng mga mensahe tungkol sa insidente.

Spekulasyon ni Gen. Azurin na baka si Sermonia ang nag-tip sa Canadian Immigration sa pamamagitan ng mga kasinungalingan sa layong ipa-deport siya.

Pero, nilinaw ni Azurin na hindi ganun ang nangyari at magbibigay siya ng pahayag sa media sa takdang panahon.

Show comments