Barangay patrol jeep sumalpok sa puno, 2 utas, 10 sugatan

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang katao habang 10 ang nasu­gatan nang sumalpok sa puno ang isang barangay patrol jeep nang mawalan ng control, naganap kama­kalawa sa Batangas City, Batangas.

Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Teo­doro Guico; at Ariel Silva pawang mga barangay tanod at volunteer ng Brgy. San Miguel. Habang 10 ang nasugatan na dinala sa Batangas Medical Center at sa Jesus of Nazareth Hospital.

Ayon sa report, alas-10:45 ng umaga ay bina­bagtas ng jeep (SFZ-421) ang palusong na kurbadang kalsada sa may Sitio Tanlayag, Brgy. San Miguel nang mawalan ng kontrol ang driver na si Romeo Sarmiento at bumangga sa puno ng mahogany.

Nabatid na ang nasabing jeep ay patrol service­ vehicle ng Brgy. San Mi­guel na pabalik na sana sa kanilang barangay hall galing sa isang clearing ope­ration nang maganap ang aksidente.  

Show comments