Lagusnilad, bubuksan sa katapusan ng Setyembre

MANILA, Philippines — Nakatakda nang buksan muli sa publiko ang Lagusnilad Vehicular Underpass sa huling linggo ng Setyembre, 2023.

Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, iaanunsiyo na lamang nila sa mga susunod na araw ang eksaktong petsa ng pagbubukas muli ng underpass.

Matatandaang ang La­gus­­nilad ay sinimulang isa­ilalim sa rehabilitasyon noong nakalipas na Mayo. Naglaan ang lokal na pa­ma­halaan ng Maynila ng P50 milyong pondo para sa up­grading, concreting at drai­nage repair ng underpass.

Una nang sinabi ni Lacuna na bagama’t ang Lagusnilad ay nasa ilalim ng national government, nagpasya ang lokal na pamahalaan na sila na ang magpagawa nito dahil sa kanila bumabagsak ang reklamo sa mga lubak, gayundin sa madalas na pagbaha dito.

Show comments