Text books sa public schools, i-digitalized

MANILA, Philippines — “Gawing digitized ang mga text book sa mga pampublikong paaralan sa bansa mula kinder hanggang grade 12”.

Ito ang iminungkahi ni Senador Pia Cayetano kay Vice-President at  Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte dahil sa ganitong paraan ay magiging mas accessible ang mga libro sa mga pampublikong eskwelahan,makakatipid sa papel , magiging madali ang pagwawasto sa mga mali at madaling maipasok sa tablet ang mga ituturo kaysa bumili at magpa-imprenta ng libro na madalas ay natatagalan.

Ang pahayag ay ginawa ng senadora sa pagdinig tungkol sa panukalang budget ng DepEd sa 2024.

Ayon pa kay Cayetano na mula pa noong 2012 ay ang grade 5 at 6 lang ang nabibigyan ng kumpletong text book at laging kinukulang ng text book para sa grade 4,7,9 at 10, habang wala namang nito ang kinder hanggang grade 3.

Kahit na doblehin  umano ang budget ng DepEd ay hindi mahahabol ang kakulangan ng mga textbook.

Sa budget hearing nanghihingi ang DepEd ng P12 milyon para pambili ng text books para sa taong 2024-2025,subalit ito ay para sa kinder lang grade 4 at 7 na uunahin para sa pagpapatupad ng bagong K10-curriculum.

Show comments