Inflation rate bumaba noong Mayo

Various seafood products are on display for sale at the fish market in Dagupan City on May 30, 2023.
STAR/Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumagal ang inflation o sukatan ng bilis nang pagtaas ng presyo sa buwan ng Mayo sa ikaapat na sunod na buwan habang ang mga presyo ng gasolina, mga gastos sa transportasyon at mga presyo ng mga pi­ling produkto ng pagkain ay bumaba.

Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, bumaba sa 6.1% ang inflation nitong Mayo mula sa 6.6% ang inflation noong Abril.

Sa pagtataya ng Bang­ko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang inflation ng Mayo ay nasa 5.8 hanggang 6.6 porsyento.

Ang mga presyo ng gasolina naman ay bu­maba sa isang average ng 18.5 porsyento taun-taon noong Mayo kumpara sa 11 porsyento noong Abril.

Ang mga presyo ng diesel ay nagrehistro ng mas malaking average na pagbaba sa 27.6 porsyento noong Mayo, mula sa pagbaba ng 20 porsyento noong Abril.

Ayon pa sa PSA, ang mga gastos sa transportasyon ay bumaba ng 0.5 porsiyento noong Mayo, pagkatapos tumaas ng 2.6 porsiyento noong Abril, ang mga pagkain at non-alcoholic na inumin ay nagrehistro ng mas mababang inflation rate na 7.4 porsiyento para sa buwan, mula sa 7.9 porsiyento noong Abril.

Ipinakita rin ng datos na ang core inflation, na hindi kasama ang mga piling pagkain at mga item sa enerhiya, noong Mayo ay bumaba rin sa 7.7 porsiyento mula sa 7.9 porsiyento noong Abril.

Gayunpaman, ang inflation rate ng Mayo ay nananatiling higit sa target ng gobyerno na 2 hanggang 4 na porsyento.

Ang average na inflation mula Enero hanggang Mayo ay nasa 7.5 porsyento.

Show comments