^

Police Metro

Robin nagbitiw bilang PDP-Laban VP

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ni Senator Robin Padilla ang kanyang “irrevocable resignation” bilang executive vice president ng political party na Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Sinabi ni Padilla na nagbitiw siya sa partido upang matiyak na makakapag-concentrate siya sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin bilang senador.

Gayunpaman, sinabi niya na mananatili siya bilang miyembro ng PDP-Laban.

“Bilang nanunungkulan na senador na may mabigat na mandato, batid ko na ang iba pang mga tungkulin – kabilang ang aking posisyon bilang EVP ng partido – ay dapat magbigay-daan sa aking kakayahang tuparin ang aking sinumpaang tungkulin sa taumbayan,” dagdag niya.

Sinabi ni Padilla na ang PDP-Laban ay nangangailangan ng executive vice president na maaaring maglaan ng mas maraming oras sa mga gawain ng partido.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with