Pangulong Marcos itinigil na ang pakikipag-usap sa ICC

MANILA, Philippines — Tinigil na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang anumang uri ng komunikasyon sa International Criminal Court (ICC) at iginiit na hindi na aapela pa ang Pilipinas.

Ang pahayag ng pangulo­ ay ginawa matapos na iba­sura ng ICC ang apela ng Pilipinas na suspendihin ang imbestigasyon sa anti-drug war campaign ni dating­ pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit pa ng Pangulo na walang gagawing hakbang ang pamahalaan ng Pilipinas dahil wala namang hurisdiksyon dito ang ICC.

“We are back to the position, we ended up int he same position that we started with and that is we cannot cooperate with the ICC considering the veruy serious questions about their jurisdiction and about what we consider to be interference and practically atatcks on the sovereignty of the republic. So that pretty much it we have no longer any recourse when it comes to the ICC,” giit pa ng Pangulo.

Matatandaan na ikinasa ng ICC ang imbestigasyon dahil nauwi na umano sa crimes against humanity ang anti-drug war campaign ng nakaraang administrasyon.

Show comments