Bahay ng utol ni Teves ni-raid ng CIDG

Mga baril at bala nakumpiska

MANILA, Philippines — Sinalakay kahapon ng umaga ng Criminal Investigation and De­tection Group (CIDG ang bahay ng utol ni Negros Oriental 3rd District Cong. Arnie Teves na si dating  Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves sa Brgy. Caranoche sa Sta. Catalina ng lalawigan.

Sa bisa ng warrant of  arrest na inisyu ng Executive Judge ng Mandaue City,  sinabi ni CIDG legal officer PCol. Thomas Valmonte, na nakumpiska  ang matataas  na illegal firearms at ammunition na aabot sa 10 piraso at mayroon din mga naaresto.

“This operation is actually an implementation of a search warrant. This is for illegal possession of firearms... Nakapangalan po kasi ang compound kay Mr. Henry Pryde Teves,”  ani Valmonte.

Si Pryde Henry ay ka­patid ni suspended Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr., na nasasangkot sa patayan sa Negros Oriental noong 2019.

Nabatid kay Valmonte na ang compound ay nagsisilbi ring sugar mill ng HDJ Bayawan Agri-Venture Corporation Tolong Com­pound.

Sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) Spokesman Col. Jean Fa­jardo, may nagbigay sa ka­nila ng impormasyon na may itinatagong matataas na kalibre ng baril sa nasa­bing compound.

Isusumite ang mga na­kum­piskang baril sa Fire­arms and Explosives Office para suriin  ang records  ng PNP kung may hawak na LTOPF ang mga naaresto.

Binigyan diin ni Fajardo­ na kasama ang pangalan ni Pryde Henry na presidente ng korporasyon at ilan pang director ay  kasama sa  application ng SW.

Show comments