3 miyembro ng Dominguez carnapper group, guilty sa car dealer killing

MANILA, Philippines — Hinatulan kahapon ng Quezon City court ang mga miyembro ng Dominguez carjacking gang ng guilty beyond reasonable doubt sa pagpatay kay car dealer Venson Evangelista noong Enero 14, 2011 sa isang irigasyon sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Inilabas ng Regional Trial Court Branch 215 judge Rafael Hipolito ng hatol na habambuhay na pagkakulong sa mga akusadong sina Roger Dominguez, Jayson Miranda at Rolando Talban.

Sa orihinal ay lima ang hinatulan kasama sina Raymond Dominguez na namatay sa COVID-19 sa loob ng New Bilibid Prison at Joel Jacinto na namatay sa atake sa puso.

Hindi naman mapigilang lumuha ng tatay ni Evange­lista na si Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President Arsenio “Boy” Evangelista sa ibi­nabang hatol.

“Venson, dinala mo ako dito. Ang pangako ko sa ‘yo at that time is hanggang dulo lalaban tayo, willing to take the bullet just to see you get justice. Anak, mahal na mahal kita,” wika ng mangiyak ngiyak na si Arsenio.

Show comments