^

Police Metro

Holdaper nang-agaw ng baril sa police station, todas

Mer Layson - Pang-masa
Holdaper nang-agaw ng baril sa police station, todas
Nagkalat ang dugo sa loob ng police station sa Brgy. Culiat, Que­zon City matapos mabaril at mapatay ng mga ang lalaking naaresto sa panghoholdap sa bakery nang mang-agaw umano ito ng baril sa isang pulis habang isinasailalim sa pagtatanong.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Isang lalaking sinasabing nangholdap sa ba­kery ang nasawi matapos umanong agawin ang ba­ril ng isang pulis habang isinasailalim sa booking procedure sa loob ng police station kahapon ng umaga.

Kinilala ni QCPD Director, PBGen. Nicolas Torre III ang napatay na suspek na si Jose Lemery Palmares Jr., 33, ng Brgy. Culiat, Quezon City.

Sa ulat, bago ang insidente ay hinoldap ng suspek, alas-4:31 ng hapon ang Balai Pandesal/Soya Bean Outlet na matatagpuan sa Congressional Extension, sa Brgy. Culiat na nakunan pa ng CCTV.

Tinangka pa umano ng suspek na pagsasaksakin ang kahera ng natu­rang bakery ngunit nakapanlaban ito gamit ang kanyang dalang thong.

Nang makuha ng suspek ang P6,000 kita ng bakery, gayundin ang cellphone ng kahera, ay mabilis na itong tumakas.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng PS-14 sa Sitio Ba­lud, Congressional Avenue Extension, Brgy. Culiat, Quezon City na nag­resulta sa pagkakadakip ng suspek, alas-5:10 ng madaling araw kahapon.

Dinala sa tanggapan ng Police Community Precinct 1 (PCP-1) ng PS-14 ang suspek ngunit habang sumasailalim sa booking procedure ay bigla na lang umano nitong inagaw ang service firearm ni PSSg Juderick Latao, na nauwi sa agawan ng baril kaya’t kaagad na binaril ang suspek ng mga pulis na nandun.

Kaagad namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang suspek ngunit idineklara itong dead on arrival.

Lumitaw rin naman sa imbestigasyon ng mga otoridad na dati nang nasangkot sa insidente ng mga pagnanakaw ang suspek.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with