^

Police Metro

DSWD chief, ‘di magtatanggal ng mga tauhan

Angie dela Cruz - Pang-masa
DSWD chief, �di magtatanggal ng mga tauhan
Nagsagawa kahapon ng kauna-unahang press briefing si DSWD Sec. Rex Gatchalian sa Katapatan Boardroom sa Quezon City at inilahad ang kanyang mga plano.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na wala siyang tatanggalin na mga tauhan bagkus ay magdaragdag pa siya.

“Magagaling ang mga taga-DSWD, wala ta­yong aalisin sa kanila at magdadagdag pa tayo ng mga dagdag na talents at social science at logistic  experts , para mapabuti pa ang serbisyo ng DSWD. Ang gusto ko kahit may bagong administrasyon ay walang mapuputol na serbisyo. Titiyakin natin na ang kagutuman ay ating mareresolbahan at mapipigilan ang kahirapan,” wika ni Gatchalian.

Aniya, kukunin nila ang tulong ng mga  academe, tulong ng PSA at ng mga experts para malaman kung ano ang mga tama at ang mga bagay na dapat pang pala­kasin sa pagseserbisyo ng DSWD sa mga tao bukod sa pagpapalakas sa disaster response at residential care facility.

Sinabi ni Gatchalian na kung may ease of doing business sa LGUs  ay may Ease of Doing Social Welfare sa DSWD para mabilis ang serbisyo sa tao.

Iniulat din nito na pagkakalooban ng livelihood programs ang mga sinalanta ng lindol sa Davao de Oro.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with