US tutulong sa AFP modernization – Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Nangako si United States Defense Secretary Lloyd Austin na tutulungan ang Pilipinas na gawing makabago ang defense capabilities at itataas ang interoperability ng American at Filipino military forces.
“From defense perspective, we will continue to work together with our great partners and to build and modernize your capabilities as well as increase our interoperability,” ayon kay Austin sa kanyang pambungad na pananalita bago pa ang kanyang pulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang.
“So we are very, very happy to be here once again and I look forward to a great discussion with you, Mr. President,” ayon kay Austin.
Pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang US defense chief sa pagbisita sa Pilipinas sa gitna ng kumplikadong sitwasyon sa rehiyon.
Inihayag din ni Austin na handang tumulong ang Amerika sa Pilipinas para sa mga biktima ng magnitude 6 na lindol na tumama sa New Bataan, Davao de Oro.
Ilang katao na ang naiulat na nasugatan matapos ang lindol bukod pa sa mga bahay na nasira.
- Latest