^

Police Metro

Pagbiyahe ng traditional passenger jeep ‘di na palalawigin

Angie dela Cruz - Pang-masa

Mga hindi nag-aplay sa modernization program

MANILA, Philippines — Hindi na palalawigin pa ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng mga traditional jeep na hindi nag-aplay para sa mo­dernization program ng pamahalaan.

Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na hanggang Marso 23, 2023 lamang ang deadline sa pagtanggap ng LTFRB para sa mga traditional jeep sa mga probinsiya na nais pasakop sa programa at hanggang April 30, 2023 para sa mga traditional jeep sa Metro Manila.

Ayon kay Guadiz na sa kasalukuyan ay wala pang sumusunod sa mga may- ari ng traditional jeepneys kaya’t nananawagan sila na mag-aplay na.

Niliwanag naman ni Guadiz na hindi kukula­ngin ang mga pampasaherong sasakyan dahil nagdagdag na sila ng mga ruta sa iba’t ibang bahagi ng bansa tulad ng mga aircon jeep, bus at iba pa.

vuukle comment

JEEP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with