^

Police Metro

7 Chinese nailigtas ng PCG sa karagatan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pitong Chinese fisherman na sakay ng isang bangkang pangisda ang iniligtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) makaraang masira ang hull nito nang makaengkuwentro ng masamang panahon sa parte ng karagatan sa Eastern Samar kahapon.

Ayon sa PCG Command Center na nakatanggap sila ng ulat, alas-2:09 ng hapon ukol sa fishing vessel na FV KAI DA 899 na may sakay na mga tripulanteng Tsino, na nagkaproblema sa may katubigan ng Suluan Island, Guiuan, Eastern Samar.

Agad na rumesponde sa insidente ang BRP Cabra (MRRV-4409) na nagkasa ng search and rescue operation at nang mailigtas ang mga crew na nasa maayos na pisikal na kondisyon ay hinatak ng BRP Cabra ang FV KAI DA 899 sa Tacloban Port.

Hindi pa malinaw sa PCG kung ang nasagip na Chinese ay illegal na nangingisda sa dagat na sakop ng Pilipinas.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with