^

Police Metro

24 pang opisyal ng BuCor, sinibak!

Ludy Bermudo - Pang-masa

Iba pang anomalya nadiskubre..

MANILA, Philippines — Nasa 24 pang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ang sinibak matapos madiskubre ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang na may iba pang anomalya sa ahensya kaugnay sa 234-ektar­yang lupa na donasyon ng Agua Tierra Oro Mina o ng  Atom Development.

Sinabi ni Catapang na ilang abogado ng BuCor ang pumayag na mabawi ng ATOM ang kanilang property sa kabila ng pagkakaroon na ng deed of donation pabor sa pamahalaan.

“Sa batas kung na-donate mo na ‘yang lupa na ‘yan, hindi mo na puwede bawiin,” ani  Catapang sa panayam ng Teleradyo noong Huwebes.

Ikinagalit ni Catapang na itinago ng mga abogado ang nasabing deal, na kaniya lamang nadiskubre noong nakalipas na linggo.

Una nang sinabi ni ATOM president Virgilio Bote na ibinigay niya bilang donasyon ang lupa bilang bahagi ng kanilang joint venture agreement kay dating BuCor chief Gerald Bantag para sa itatayong business center sa New Bilibid Prison (NBP).

Bilang kapalit, ang ari-arian na nasa Nueva Ecija ang gagawing bagong pagtatayuan naman ng modernong pasilidad para sa mga preso na mas malaki ang maa-accommodate. Subalit ang deal ay binawi ni Bote dahil sa naging kontrobersiya.

Simula nang maupo bilang BuCor chief si Catapang noong Oktubre, nasa 24 BuCor officers na ang kaniyang sinibak na kinabibilangan ng mga abogado at engineers.

vuukle comment

BUCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with