^

Police Metro

Drug ops sa Pampanga: 2 pulis patay!

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang pulis matapos pagbabarilin ng limang armadong lalaki habang nagsasagwa ang mga biktima ng drug ope­ration sa Barangay Dau, Mabalacat City, Pampanga, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Brig. Gen. Cezar Pasiwen, Police Regional Office-3 (PRO3) director, ang mga napaslang na pulis na sina PSMS Sofronio Capitle Jr, at PSSG Dominador Gacusan Jr.; kapwa nakatalaga sa Mabalacat City Police.

Ayon kay Pasiwen, dakong alas-3:40 ng madaling araw habang nagsagsawa ng buy-bust operation ang dalawang pulis sa nasabing lugar nang biglang duma­ting ang limang lalaki na armado ng mga baril at lu­lan ng dalawang magkahiwalay ng motorsiklo.

Matapos na maispatan ang dalawang pulis, agad nilang pinaulanan ng bala ang dalawang pulis na hindi na nagawa pang makabunot ng kanilang service firearms.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang baha­gi ng kanilang katawan ang mga biktima sanhi upang agad na masawi sa lugar, dagdag ni Pasiwen.

Matapos na makitang nakabulagta at wala nang buhay ang mga biktima, mabilis na nagsitakas ang mga suspek lulan ng kanilang mga motorsiklo patungong north direction.

Iniutos na ni Pasiwen kay Col. Levi Hope Basilio, Pampanga police provincial director na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa ginawang pagpatay sa dalawang pulis at agad na maresolba ito.

Nagsasagawa na ang Mabalacat Police ng manhunt operation laban sa mga suspek. - Ric Sapnu

DRUG OPERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with