^

Police Metro

8 OFWs na ginawang scammers sa Laos nakauwi na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakauwi na sa bansa ang walong Overseas Filipino Workers (OFWs) na biktima ng Golden Triangle illegal recruitment sa Laos  matapos na gawing mga scammers.

Ibinahagi ni OFW Partylist Rep. Marissa ‘del Mar’ Magsino na isang magandang pamaskong handog para sa pamilya ng mga OFWs na makauwi na ang mga ito ng ligtas at makasama ngayong ‘holiday season’ ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon kay Magsino sa tulong ng OFW Partylist, Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) ay sinundo nila para makabalik na sa Pilipinas ang 8 OFWs na biktima ng sindikatong Golden Triangle na sangkot sa illegal recruitment sa Laos.

Ibinulgar ng mga ito na  pinangakuan ng maayos na trabaho, malaking sahod, libreng pabahay at pagkain pero sila’y dinala sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia at pinasok bilang scammers sa mga negosyong pinapatakbo ng mga sindikato sa Golden Triangle.

Ayon sa mga OFW ginawa silang scammers sa pamamagitan ng panglilinlang sa mga potensyal na investors na hinuhuthutan lamang ng malaking halaga.

Sa una ay pakakagatin ang mga kinukumbinseng mag-invest na nakakubra kaagad ng tubo at kapag naglagay ng malaking halaga sa investments ay pinuputol na ang kontak sa mga ito matapos makakulimbat ng limpak na salapi.

Ibinulgar din ng nasabing mga distressed OFWs na sila ay nakalusot palabas ng bansa dahilan may ­kasabwat umano ang kanilang recruiter sa loob ng Bureau of Immigration (BI) ng paliparan.

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with